TOTTO CHAN ANG BATANG BABAE SA BINTANA



Ito ay tungkol sa eskwelahan ng Tomeo sa Jiyugaoko at ang principal ng Tomoe na si Kabayashi.  Ang nagpadaloy ng kwentong ito ay si Totto chan. Si totto chan ay isang pilya, matalino, maawain, mapagmahal na batang babae. Pinatalsik si totto chan sa eskwelahan na pinasukan nya noong grade wan sya dahil sa kawirduhang ginagawa nito sa loob ng eskwela. Kaya naman nagpasya ang nanay nya na maghanap ng eskwelahang tatanggapin si Totto chan, nangangamba ang nanay niya dahil baka maulit na naman ang nangyari sa kanyang anak. Hindi nya ito sinabi sa kanyang anak. Nang makarating sila sa eskwelahan ng Tomoe nakita ni totto chan ang mga tren, likas na mahilig sya tren kaya naman natuwa siya ng Makita nya ang mga ito. Ngunit kailangan muna nilang makausap ang principal, nang nakausap nila ang principal sinabi nito sa nanay ni totto chan na iwan muna sila. Kinausap ng principal si totto chan. Nagkwento ng nagkwento si totto chan na parang walang katapusan ngunit di nagpakita ang principal ng kahit anong kabagutan bagkus pinakinggan at tumawa ito sa mga kwento ni totto chan. Nagustuhan ni totto chan ang principal at tinanggap na sya nito sa Tomoe. Maligayang pumapasok na si totto chan. Nanibago si totto chan sa unang klase dahil pinapili sila ng kanilang guro kung anong leksyon ang una nilang gusting aralin. Iba’t iba ang pinili ng mga bata. Ang eskwelahan ng tomoe ay kaiba sa pangkarinawang mga eskwelahan, narito’y may mga kapansanang pumapasok ngunit hindi tinutukso, tila isang normal at typical na bata lamang ang lahat. Pinahahalagahan ang bawat estudyante rito, hinahasa ang kakayahan, kung saan ka magaling at kung ano pa ang kaya mong gawin at madidiskubre sa iyong sarili. Ang eskwelahan ng tomoe ay isang magandang halimbawa ng tamang pagpapalaki sa mga bata, maaring kakaiba ngunit ito ay mabuti para sa isang bata, dahil simula pa lamang ng kanyang buhay ay hindi siya maiistuck sa isang sitwasyon kung saan uupo ka sa silya, magsusulat at magbabasa lamang. Sa tomoe maraming aktibidad na ginagawa upang mkita kung saan aangat ang kakayahan ng isang bata.  Habang tumatagal, marami na ring nagiging kaibigan si totto chan. Nang tumuntong na siya ng grade 3 umibig na agad ang musmos na bata kay Tai chan. Si Tai chan ay isang batang lalaking ubod galling sa pisika ngunit may pagkasuplado dahil ayaw nitong natatalo ng isang babae. Nagkataong natalo ni totto chan si tai chan sa sumo kaya naman sinabihan ni tai chan si totto chan na kapag tumanda sya kahit magmakaawa si totto chan sa kanya ay hinding hindi nya ito pakakasalan. Nalungkot si totto chan pero naisip pa din niyang tasahan ang mga lapis ni Tai chan at kahit ang kanyang lapis ay kakagating na lamang. Napalit na ang isa’t-isa kay totto chan. Marami na siyang naging kaibigan. Nagkamping sila, nagpunta sa dagat. Nagtsaa at iba pa. isang bakasyon nila pagbalik, malungkot ang principal na humarap sa mga bata. Tumulu ang luha na sinabing patay na si Yasuaki Chan. Mahal na mahal ni totto chan ang principal dahil mahal na mahal din nito ang mga bata pati na rin si Totto chan. Kaya’t nangako si Totto chan na magtuturo din ito sa Tomoe .
Nang matapos ang bakasyon, bumalik na si totto chan sa jiyugaoko. Hinananap nya ang paborito niyang aso na si Rocky ngunit hindi ito lumalapit. Kaya tinanong nya ang nanay niya. Hindi ito sumagot, inulit ni totto chan ang tanong sa kanyang nanay. At sinabi niya na nawawala ang aso nila. Nalungkot ng husto si Totto chan. Unay’y nawala ang kaibigan nya at sumunod ang asong itinuring na nyang kapatid. Hindi natupad ni Totto Chan ang pangako nito sa principal. Dahil nang nagkagyera ay napasabugan ito ng bomba kaya’t natupok ang sintang paaralan. Ilang taon ang lumipas at nagkahiwa-hiwalay na ang mga estudyante ng Tomoe. Tumanda at nagkedad na, nagkaasawa at anak. Naging propesynal at matagumpay ang bawat isa. Si totto Chan ay naging manunulat at nagkaron ng teatro. Ang principal ay namatay sa gulang na 69 at ang anak nitong si Miyo Chan ay naging guro ng musika at nagtuturo na sa isang eskwelahan. Si Tai Chan ay naging bihasa sa pisika at naging guro na din at nagkaroon ng pwesto sa isang malaking eskwelahan. Wala nang natirang kahit anong bakas sa pinagtayuan ng Tomoe. Wala nang makaalala nito bukod sa mga naging edtudyante neto.  Tuwing ika-3  ng nobyembre ay nagtititpon-tipon ang mga estudyante ng Tomoe sa Templo ng Kuhonbutso. At si Totto Chan, Tetsuko Kuruyonagi ang syang nagpadaloy nito.



-Patrice Tabon

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Truman Show

1984