Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2014

TOTTO CHAN ANG BATANG BABAE SA BINTANA

Ito ay tungkol sa eskwelahan ng Tomeo sa Jiyugaoko at ang principal ng Tomoe na si Kabayashi.   Ang nagpadaloy ng kwentong ito ay si Totto chan. Si totto chan ay isang pilya, matalino, maawain, mapagmahal na batang babae. Pinatalsik si totto chan sa eskwelahan na pinasukan nya noong grade wan sya dahil sa kawirduhang ginagawa nito sa loob ng eskwela. Kaya naman nagpasya ang nanay nya na maghanap ng eskwelahang tatanggapin si Totto chan, nangangamba ang nanay niya dahil baka maulit na naman ang nangyari sa kanyang anak. Hindi nya ito sinabi sa kanyang anak. Nang makarating sila sa eskwelahan ng Tomoe nakita ni totto chan ang mga tren, likas na mahilig sya tren kaya naman natuwa siya ng Makita nya ang mga ito. Ngunit kailangan muna nilang makausap ang principal, nang nakausap nila ang principal sinabi nito sa nanay ni totto chan na iwan muna sila. Kinausap ng principal si totto chan. Nagkwento ng nagkwento si totto chan na parang walang katapusan ngunit di nagpakita ang principal ng